ano ang yamang mineral?

Sagot :

YAMANG MINERAL

  • Ang yamang mineral tulad ng ibang likas na yaman sa bansa ay mula sa kalikasan. Natural ito at di gawa ng tao. Makukuha ito sa pamamagitan ng pagmimina. Ang katotohanan sa mga yamang mineral ay nagagamit at hindi napapalitan dahil wala itong kakayahang mag-reproduce sapagkat ito ay walang buhay. Sa katagalan ng panahon ay mauubos lamang ito dahil hindi ito tulad ng ibang likas na yaman na pwedeng palitan o kayang magparami.

  • Ang mga yamang mineral ng Pilipinas ay mahalaga dahil nagbibigay din ito ng enerhiya na kung saan nakakatulong din sa ating pangkabuhayan at pang-araw-araw na gawain. Nandyan ang mga produktong mineral tulad ng nikel, bakal at iba pa.

  • Ang maling paraan ng pagmimina at hindi maayos na paggamit nito ang isa sa mga nakakapinsala sa mga yamang mineral.

Karagdagang impormasyon:

Uri ng yamang tubig at lupa

https://brainly.ph/question/82486

Kahalagahan at suliranin sa yamang mineral

https://brainly.ph/question/1592771

https://brainly.ph/question/666234

#BetterWithBrainly