kahulugan ng tambalang salita na buhay binata,
dalagang nayon, dulong bakuran, alagang hayop, laking maynila, batang kalye










Sagot :

Narito ang mga kahulugan ng mga tambalang salita na nakasulat sa ibaba. 

- Buhay -binata - ibig sabihin ang isang lalaking ay namumuhay na parang isang binata, walang responsibilidad at malaya, lakwatsa dito, lakwatsa roon.
- Dalagang nayon - ito ay tumutukoy sa isang dalagang lumaki sa nayon na mahinhin at hindi magaslaw, pala-simba at palaging masunurin sa mga nakakatanda. Ang mga ganitong dalaga ay higit na mayroong disiplina sa sarili at aspetong moral.
-Alagang hayop - ito ay tumutukoy sa mga hayop na inaalagaan sa bahay gaya ng ibon, aso, pusa at marami pang iba.
-Laking Maynila - ibig sabihin ang isang tao ay isinilang at lumaki sa Maynila. Doon sa Maynila namulat ang kanyang kaisipan at kulturang pang-Maynila ang kanyang natutunan.
- Batang Kalye - ito ay tumutukoy sa isang batang palaging nakatambay o nakatira sa kalye. Ang buhay ng batang ito mula umaga hanggang gabi ay nasa kalye lamang.