Ang salitang pesimista o pessimistic sa Ingles ay nangangahulugang palagiang pag-iisip ng mga negatibong bagay. Wala itong mabuting naidudulot sa atin kundi karuwagan. Ang kasalungat ng salitang ito ay optimista o optimistic. Kung saan palagiang iniisip ang mga positibong bagay at magandang mangyayari sa hinaharap.