Ano ang pagkakaiba ng salitang titingin, magmamasid, at sisipatin?

Sagot :

Ang titingin, magmamasid at sisipatin ay kapwa mga salitang kilos na ginagamitan ng mata upang maisakatuparan ito ngunit mayroon pa ring pagkakaiba ang mga salitang ito. Ang titingin ay tumutukoy sa isang payak at literal na pagtuon ng mata sa isang bagay o sa isang dako habang ang magmamasid ay may mas malalim na kahulugan. Ang magmamasid ay ang masusi o seryosong pag-oobserba sa isang tao, bagay o sitwasyon upang makita ang mga bagay na hindi agad napupuna sa madaliang tingin. Ang sisipatin ay tumutukoy sa mataman o masusing pagtingin sa isang bagay upang masiguradong nasa maayos itong kalagayan.