Sagot :
Ako ay isang Kapampangan, sa aming diyalekto ang tawag namin sa salitang kidlat ay kildap.
Kapag masama ang panahon minsan may dala itong pagkidlat . Isa itong electric current na nabubuo kapag may thunderstorm. Ang kidlat ay lubhang mapanganib ngunit ito ay nakakamanghang lika ng kalikasan .
Ano ang kidlat?
Ang kidlat o pagkidlat ay isang uri ng sama ng panahon na maaaring mangyari anumang oras lalong lalo na sa isang tropikal na bansa katulad ng Pilipinas. Ang pagkidlat ay kadalasang tumatagal ng kalahating oras o higit pa. Ito ay hindi kinukunsederang malawakang sama ng panahon dahil 5 kilometro lamang ang lawak na maaari nitong maapektuhan.
Paano nangyayari ang pagkidlat?
Ito ay epekto ng paglaki ng Cumulonlimbus Clouds, isang klase ng makapal at maitim na ulap na maaaring magdulot ng pagkidlat at pagkulog, hail o pag- ulan ng yelo at pabugso bugsong malakas na hangin. Sa loob ng isang thunder cloud ay namumuo ang mga maliliit na yelo, kapag nahipan ng hangin nagbabanggahan ang mga ito at lumilikha ng electric charge. Kapag napuno na ang mga ulap ng electric charge kung saan ang positive charge ay nasa ibaba at nasa ilalim naman ang negative charge nagkakaroon din ng electric charge sa lupa. Bumabalot ito sa mga nakatayong bagay gaya ng bundok, puno at tao kapag nagtagpo ang electric charge ng mga ito at ang charge na galing sa langit, at ganun nabubuo ang kidlat.
Sanhi ng kidlat
Ang isang tao na tinamaan ng kidlat ay maaaring masunog at mamatay. Kadalasan ang mga matataas na bagay ang tinatamaan ng kidlat. Isang halimbawa dito ang insidente na nangyari sa isang magsasaka sa Benguet. Tinamaan ang biktima sa tabi ng isang pine tree. Siya ay nagtamo ng 3rd degree burn at namatay.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano kahulugan ng talim ng kidlat sa dilim umiiyak ang puting tagak?: https://brainly.ph/question/1771478
#LetsStudy