nakakaapekto ba sa pag-unlad ng pilipinas ang patuloy na paglaki ng populasyon nito ? Pangatwiranan ang kasagutan

Sagot :

Para sa akin, sadyang nakakaapekto sa pag-unlad ang patuloy na paglaki ng populasyon sa Pilipinas.

Dahil patuloy na dumarami ang tao mas marami din ang nangangailangan ng trabaho upang matustusan nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Tulad sa mga pamilyang may maraming miyembro na higit sa 10, sa halip na makaipon ay napapagastos pa sila dahil marami silang anak na dapat tustusan.

Dahil dumarami ang tao sa Pilipinas, nagiging masikip na ito. Dumarami na din ang mga iskwater dahil tirahan ang pangunahing pangangailangan nila hindi lamang ang pagkain.

Dahil sa pagsikip ng bansa maraming tao ang nagkakasakit, na dadalhin na lamang nila ang may mga sakit sa pampublikong ospital na may mga doktor na hindi binabayaran ng gobyerno. Sa halip na sa mga bagay na makapagpapaunlad sa bansa gagastos ang bansa ng malaki para sa mga tao.

Halos lahat ng pera ng gobyerno ay napupunta sa mga tao, dahil dumarami ang nangangailangan sa tuwing dumarami ang nangangailangan mas naghihirap ang bansa.