Sagot :
Kahulugan ng Stereotyping
Ang stereotyping ay pageestereotipo sa Tagalog. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang tao o bagay base sa ilang paniniwala. Sa konseptong ito ay may katangiang nilalaan sa mga pangkat ng tao batay sa kasarian, lahi bansang pinagmulan at iba pang dahilan. Ang mga pageestereotipo ay hindi maiiwasan sa lipunan, ngunit kadalasan itong nabubuo batay sa maling impormasyon o opinyon.
Halimbawa ng Stereotyping
Narito ang ilang halimbawa ng pageestereotipo:
- Ang mga taong nakasalamin ay matatalino. Marami ang napapasabi na matalino ang isang tao kapag ito ay nakasalamin. Ngunit ang pagsuot ng salamin ay nangangahulugan ng malabo ang mata. Ito ay maaaring dahil sa radyasyon o kaya naman ay namana sa lahi. Hindi ito kadalasang nangangahulugan ng pagiging matalino.
- Pag babae, mahinhin. Isa rin ito sa pinaniniwalaan sa lipunan, ngunit hindi naman lahat ng babae ay mahinhin. May mga babae na lumaking magaslaw at brusko.
- Ang pagkakaroon ng negatibong pananaw sa mga taong may tattoo. Karamihan din na negatibo ang nagiging tingin sa mga taong may tattoo. Ngunit hindi naman lahat ng may tattoo ay mabisyo o kaya naman ay hindi gagawa ng tama. Ang tattoo ay isa ng paraan ng paglalahad ng damdamin.
Para sa iba pang halimbawa ng stereotyping, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/145998
#BetterWithBrainly