16. Ang mga Dravidian ay mga pangkat nem kabisadus. Mahusay silang mga magsasaka, tagapa- alaga ng hayop, at mga artisan. Anong teknolohiya ang kanilang ginamit na nagpapatunay na bihasa sila sa pagsasaka? A. nag-imbento ng mga pandilig sa pananim C. nagpunla ng mga magagandang binhi B. gumawa ng irigasyon D. gumamit ng pataba sa pananim 17. Ayon kay Confucius, "magkakaroon ng tahimik at organisadong lipunan kung ang mga tao ay magpapakita ng kabutihan at pagpapahalaga sa iba". Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag? A. Maging mabuti sa lahat ng pagkakataon na walang inaantay na kapalit. B. Gumawa ng mabuti kung pinagpakitaan ka ng kabutihan ng iba. C. Patawarin ang iba kapag hinihingi ng pagkakataon. D. Gumugol ng panahon sa iba kapag humingi ng tulong mo. 18. Mahalaga ang batas sa isang pamahalaan. Gaano ito kahalaga sa ating buhay? A. nagbibigay ito ng kaayusan C. nagtatadhana ito ng kalayaan sa lahat B. nagpapalaya sa mga kaisipang banyaga D. nagsisilbing gabay sa tatahakin sa buhay 19. Ang haba ng listahan ng mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa atin sa kasalukuyan at sa hinaharap. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga bagay na ito? A. maingat na itago B. gamitin at linangin C. gawing kolesyon D. idispley ang mga ito 20. Bilang isang anak at mag-aaral, paano mo dapat malasin ang mga kababaihan sa inyong komunidad? A. Magpakita ng paggalang sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod at wastong paggawi. B. Gumawa ng article at magsuot ng t-shirt na nagpapakita ng paghanga sa kanila. C. Magpaggawa ng slogan na nanghihikayat sa mga tao na igalang sila. D. Igalang sila sa lipunan kung karapatdapat sila para dito.