Answer:
Explanation:
Upang matukoy ang sistemang pang ekonomiya dapat masagot ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya:
1. Ano ang gagawin?
2. Ilan ang gagawin?
3. Paano gagawin?
4. Para kanino gagawin?
Tukuyin lamang ang sa tingin mo na pinaka-angkop na katanungan para sa mga halimbawa.
*Palay, mais, kotse, o computer
Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Ano ang gagawin?" dahil tumutukoy ang mga ito sa partikular na produkto o gamit.
*Tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya
Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Paano gagawin?"
*Mamamayan sa loob o labas ng bansa
Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Para kanino gagawin?" dahil tumutukoy ito sa mga tao na maaaring makatanggap ng produkto.
*500 kilong bigas o 200 metrong tela
Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Ilan ang gagawin?" dahil tumutukoy ito sa bigat at dami.