Answer:
Maraming paraan ng pagsasabuhay ng ekonomiks at sa dami nito ay halos di na ito mapansin ng ibang tao. Gaya nalang ng pagbili mo ng pagkain sa mga tindahan, ang pag-iipon mo sa iyong alkansiya at maging ang paglalakad mo patungo sa paaralan upang makatipid. Ang maliliit na gawaing ito ay pagsasabuhay na ng ekonomiks. Makakatulong sa ating ekonomiya ang pag iimpok ng pera at mga bagay, nakakatulong din dito ang pagbili ng mga produktong gawa ng ating mga kababayan at mas higit na nakakatulong ang pababayad ng karampatang buwis sa ating pamahalaan.