WI-BASAHIN, UNAWAIN AT PAGNILAYAN: Mahalaga ang Ekonomiks sapagkat... Matutuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang kahalagahan ng pagpatupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nalilinang ang iyong kaisipan ukol sa pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan. Mauunawaan mo ang konsepto ng ekonomiks at epekto nito sa iyong pamumuhay bilang isang mag-aaral. Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon. PANUTO: Batay sa binasa, gumawa ng sariling katha sa paraan ng pagsusulat ng sanaysay (talata) na maglalarawa ng iyong mga hakbang na gagawin upang magamit mo at ng iyong pamilya sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mg mahahalagang konseptong natutunan sa pag-aaral ng ekonomiks bilang paraan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisy lalong lalo na sa kasalukuyang panahon na nahaharap ang karamihan sa krisis dulot ng pandemya. Isulat ang iyong kasagutan sa loob ng kahon.​