Balikan Sandali munal Ballkarı natin ang mga nakaraan mong aralin sa Filipino. Naalala mo ba ang iba pang uri ng akdang pampanitikan? Tumpak! tama ang iyong sagot. Sa bahaging ito ng ating paglalakbay pag-uusapan natin ang kuwentong-Bayan ng Blaan. Tara kaibigan! Alam mo ba na ang kuwentong bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Karaniwang maglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.