Sagot :
Answer:
Ang Republika ng Biak-na-Bato (Kastila: República de Biac-na-Bató), opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito bilang ang Republika ng Filipinas (Kastila: República de Filipinas) ay ang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi sa Katipunan. Sa kabila ng tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang Batas ng Pilipinas, ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera) ang nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong. Isinasaad sa saligang batas na biak na bato ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at ang pagtatayo ng Republikang Pilipino. Ngunit ito ay hindi nasunod. Nagpatuloy ang pakikipaglaban at tumangging isuko ng mga rebolusyonaryo ang kanilang mga armas.
Republika ng Biak-na-Bato
Repúbliká ng̃ Biak-na-Bató
República de Biac-na-Bató
Hindi Kinilalang Estado
←
1897
Watawat Coat of arms