Sa buhay ng tao ay may mga karanasan Na kailangang iwasan at dapat ayusin Tamang tandaan, at sa tuwina'y pakaisipin Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.
Pag nagtanim ng hangin Bagyo ang aanihin. Ubos-ubos na biyaya Bukas nakatunganga.
Ang lumalakad ng matulin Kung matinik ay malalim. Ang hindi lumingon sa pinaggalingan Di makararating sa paroroonan.
Sa anumang lalakarin Makapito munang isipin. Nasa Diyos ang awa Nasa tao ang gawa.
Kung hindi ukol Hindi bubukol. Kung ano ang bukambibig Siyang laman ng dibdib.
Anak na di paluhain Ina ang patatangisin. Ang kayamanan Ay kalusugan.
Daig ng maagap Ang masipag. Lakas ng katawan Daig ng paraan.
Nabanggit ni lolo mga karunungan sa buhay Na maaaring maging gabay sa aking palagay Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay Nang maging huwaran ng mahal sa buhay.