1. Identification. Isulat sa patlang ang "PN" kung ito ay tumutukoy sa Panahong Neolitiko, "PB” naman kung ito ay tumutukoy sa Panahon ng Bronse at "PK" kung ito ay Panahon ng Bakal. 1. Lumaganap sa panahon na ito ang pagpapanday at pagtutunaw ng isang uri ng metal. 2. Tinatawag ang panahong ito na "New Stone Age" dahil na rin sa paglikha ng mga pinakinis na kagamitang bato. 3. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa katabing lugar. 4. Ang paghahabi at paglikha ng salamin ay nag- umpisa sa panahon na ito. 5. Natuklasan ng mga sundalong Hittite ang paggamit sa isang matibay na bagay upang gawing sandata. 6. Isang pamayanan na tinatawag na Catal Hyuk ang umusbong sa panahong ito. 7. Pinaghalo ng mga tao sa panahon na ito ang tanso at lata (tin) upang maging mas matigas na bagay. 8. Ang paggawa ng mga alahas at kutsilyo ay nagsimula sa panahon na ito. 9. Nakalikha ang mga sinaunang tao ng mga espada, palakol, punyal at martilyo na yari sa tanso. 10. Kilala ang panahong ito sa pagkakaroon ng permanenteng tirahan ng mga sinaunang tao.​