Answer:
Kadalasang yari sa mga hiblang naylon, lana o sutla ang mga lambát. Karaniwang binubuo ang mga matá nitó (o mesh size) sa pamamagitan ng pagbubuhol ng maninipis na hibla. May iba’t ibang paraan sa pagpilì ng nararapat na gamiting lambát sa pangingisda. Maaaring iayon ito sa klase at sukat ng pangisdaan, sa uri ng isdang huhulihin, at sa kondisyon ng pangingisda. Sa halos lahat ng ito, mainam na gamitin ang lambát na gawa sa sintetikong hibla. Kailangang ang lambát na ginagamit sa paggawa ng galadgad ay may matibay na buhol, mataas ang posibilidad na pahabain, maliit na diyametro, at hindi agad nasisira.
Explanation:
Hope it helps, kindly brainliest this, TYSM ❤️✨