magbigay ng 10 tuntunin ng isang huwarang kabataang pandaigdig . tulong please

Sagot :

10 tuntunin ng isang huwarang kabataang pandaigdig

  1. Isang kabataang mayroong pagmamahal sa kanyang bayan.
  2. Isang kabataang may paggalang sa mga nakatatanda.
  3. Isang kabataang may sariling paninindigan,at may malasakit sa kapuwa
  4. Isang kabataang may magandang impluwensya sa kapuwa niya kabataan at maging sa mga nakatatanda.
  5. Isang kabataang may malasakit sa kanyang kapaligiran.
  6. Isang kabataang mayroong pagsisikap sa kanyang pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok na darating sa kanya,katulad nalang ng kakulangan sa pinanseyal.
  7. Isang kabataang nagtataglay ng ugaling tapat sa lahat ng bagay.
  8. Isang kabataang maka diyos,at nahihikayat ang kanyang kapuwa na maging mabuting tagasunod sa panginoon.
  9. Isang kabataang bukas ang kalooban sa pagtulong sa kanyang kapuwa sa lahat ng bagay.
  10. Isang kabataang taglay ang ugaling disiplina sa sarili.

Ilan lamang iyam sa mga katangian na dapat taglayin ng isang huwarang kabataan.Ngunit sa panahon natin ngayon mukhang kakaunti na lamang ang nagtataglay o kakikitaan mo ng ganyang kaugalian marami ang suliranin at pagsubok na kanilang kinakaharap.kasabay ng modernisasyon. Kaya kaylangan na sila ay magabayan sa kanilang pang araw-araw na buhay upang sa panahon na sila ay nahihirapan ay mayroon silang masasandalan.

Ang ilan sa mga pagsubok o problema na kinakaharap ngayon ng kabataan.

  • Pagkakaroon ng broken family,dahilan upang mamuhay sila na magulo ang isipan.
  • Kakulangan ng atensyon ng magulang dahil abala sa kanilang mga hanap buhay.
  • Pagkakaroon ng bisyo,sigarilyo at alak dahil sa impluwensiya ng mga maling kaibigan.
  • Maagang pag bubuntis o pag aasawa dahil sa kakulangan ng gabay ng mga magulang
  • Pagkalulong sa mga online games dahilan upang mapabayaan ang kanilang pag aaral.

Buksan para sa karagdagang kaalaman:

Ang modelong kabataan https://brainly.ph/question/548733

Essay ng huwarang kabataan https://brainly.ph/question/149754

Kabataan noon at ngayon https://brainly.ph/question/1019887