Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang-papel.
1. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito
na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha
ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag-aaral nang
mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa
tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya
ito. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit
hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya?
A. Alam talaga kung ano ang nais sa buhay.
B. Nanatiling bukas ang komunikasyon.
C. Ipinakita ang tunay na ikaw.
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.
2. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang
kanyang pangarap?
A. Pagganyak sa kanyang pangarap.
B. Gabay sa pagtupad ng pangarap.
C. Disiplina sa araw araw.
D. Kakayahang iakma ang sarili.
3. Si Ferdie ay Malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na
lahat ng laruan ay kanya. Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga
kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
A. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan.
B. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.
C. Pagtamo ng mapanagutang asal.
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan.
4. Ang sumusunod ay paghahanda para sa paghahanapbuhay, alin dito
ang hindi?
A. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, at kalakasan.
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais.
C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay.
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan.

3

CO_Q1_ESP 7_ Module 2
5. Para kay ate, ang pamilya ang mahalaga sa buhay ng tao. Kaya nagsisikap si
ate na makatapos ng pag-aaral upang matulungan ang aming magulang sa
pagpapa-aral sa aming magkakapatid at sa iba pang gastusin sa bahay. Ano
ang katangian na ipinakita ni ate?
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
B. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal.
C. Paghahanda para sa pagpapamilya.
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae.
Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik T
kung ang pahayag ay tama at M naman kung ang pahayag ay mali. Itala ang iyong
sagot sa sagutang-papel.
6. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan
sa buhay.
7. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon
sila upang gawin ang dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.
8. Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang
mga nagbibinata at nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit
walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito ng kanilang buhay.
9. Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung
ano talaga ang gusto mong mangyari sa iyong buhay.
10.Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na
ito sa kung anong kapalaran ang darating sa bawat isa.
11.Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo
ay hindi kayang tanggapin ang sariling kahinaan.
12.Maaaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa
emosyon at maging sa pakikitungo sa kapwa.
13.Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan
at tungkulin.
14.Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila
ang nakakaalam ng tama bilang kasing-edad.
15.Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat lakipan ng tamang pamamahala at
kilos.