PAGSASANAY 4:
Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang teksto, pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at ilagay ito sa blankong espasyo bago ang numero.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba't ibang uri ng anyong lupa tulad ng tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng behetasyon tulad ng savanna, prairie, rainforest, taiga at tundra.
D. Ang iba't ibang panig ng Asya ay nagtataglay lamang ng iisang uri ng klima.

2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano?
A. Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa ma pananim
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar.
D. Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao.

3. Ano ang uri ng behetasyon na inilalarawan bilang coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan?
A. Steppe
B. Prairie
C. Taiga
D. Savanna

4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang nagpapaliwanag ukol sa klimang tropikal?
A. Mayroong labis o di kaya'y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
B. Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
C. Nakararanas ang mga bansa dito ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan
D. Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.


5. Ang Pilipinas kasama ng ilang bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na sona na tinatawag na Ring of Fire o Circum-PacificSeismic Belt Bakit kaya tinawag ang rehiyong ito na Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan.
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot dito.

BRAINLEST KO KAYO PAG TAMA ANSWER NYO.​