pasagot kung anong ung nangyari sa mga araw na yan

Pasagot Kung Anong Ung Nangyari Sa Mga Araw Na Yan class=

Sagot :

Answer:

Hunyo 3, 1863

—Naganap sa Luzon ang malakas na lindol noong Hunyo 3, 1863 na sumira sa Manila Cathedral. Abala ang mga tao noong panahon na yon para sa (Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ni Kristo") Corpus Christi nang maganap ang malakas na lindol isang araw bago ipagdiwang ang nabanggit na kapistahan.

Enero 20, 1872

—Sa pamumunò ni Fernando La Madrid, isang mestisong sarhento, nag-alsa silá noong 20 Enero 1872. Nakubkob nilá ang Fuerza San Felipe at pinaslang ang 11 Español na opisyal. Inakala ng mga nag-aklas na sasamahan silá ng mga sundalo sa Maynila. Hudyat dapat ng simula ng labanan ang mga paputok mula sa Intramuros noong gabing iyon. Sa kasamaang palad, ang hudyat na kanilang nakita at sinunod ay isa lamang pagpapaputok para sa pagdiriwang ng pista ng Birhen ng Loreto, ang patron ng Sampaloc. Sa pangambang simula ito ng mas malawakang rebolusyon, isang pulutong ng mga sundalo sa pamumunò ni Heneral Felipe Ginoves ang lumusob sa moog ng San Felipe. Sumuko ang mga nag-aklas, kabilang si La Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni Ginoves.

Pebrero 17, 1872

—Ang Gomburza ay isang daglat – o pinagsama-samang piniling mga bahagi ng pangalan – para sa tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino, lalo na kay Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Inihandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo para magsilbing alaala sa tatlong paring ito.

Hulyo 3, 1892

Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ang nagpasimula ng pagkakaroon ng nasyolisasyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing layunin nito ay ang maging malaya ang Pilipinas sa Espanya sa mapayapang paraan. Ang pangulo nito ay si Ambrosio Salvador. Ito ay nagtagal lamang ng tatlong araw. Ipinakulong si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipinatapon siya sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892. Ang La Líga Filipína ang samahang itinatag ni Jose Rizal sa Kalye Ilaya, Tondo noong 3 Hulyo 1892, sa panahong umuusbong ang militanteng nasyonalismo sa lipunang Filipino.

Hulyo 7, 1892

—Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan[1] o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.

Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio.