Tayain Natin (Ebalwasyon) Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot. ______ 1. Paano mo mapapahalagahan at maipagmamalaki ang sariling kultura? A. Hadlangan ang pagpasok ng ibang lahi sa aking bansa. B. Ipakikilala at ibabahagi ang aking kultura sa ibang bansa C. Tanging ang kultura ng aking bansa lamang ang tatangkilikin D. Ipagmamalaki na mas nakahihigit ang kultura ng aking bansa. ______ 2. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing relihiyon sa daigdig . Alin sa mga ito ang sumibol sa Asya: I. Islam II. Kristyanismo III. Hindusimo IV. Protestanismo A. I at III B. II at III C. I, II at III D. I, II, III at IV ______ 3. Bakit mahalaga na kilalanin ang iba’t ibang kultural na heograpiya sa daigdig? I. Mapayayaman nito ang ating kaalaman II. Magkakaroon tayo ng maraming kaibigang bansa III. Mahahadlangan nito ang mga sigalot sa hinaharap IV. Magiging daan upang mapaunlad ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng malawak na pakikipag ugnayan. A. I at II B. I, II at III C. III at IV D. I, II, III at IV ______ 4. Mayaman sa paniniwala o relihiyon ang daigdig, Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga ito sa kabila ng pagkakaiba? I. Pag-iwas sa mga turo at gawain ng ibang relihiyon II. Pakikipagkaibigan sa kapwa na may ibang paniniwala III. Paggalang sa kanilang paniniwala at pamamaraan ng pagsamba IV. Pagkakaroon ng bukas na isipan at respeto sa kanilang paniniwala. A. I at II B. I, II at III C. II, III, at IV D. I, II, III, at IV ______ 5. Paano maiiwasan maging daan ng sigalot sa daigdig ang pagkakaiba sa kultural na heograpiya? I. Iwasan ang mapanakit na pagpuna. II. Paunlarin ang kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang kultura III. Magpakita ng magalang na pagkilala sa kultura ng sinumang bansa IV. Magpahayag ng opinyo at saloobin ukol sa kultura ng iba ng may respeto A. I at II B. I, II at III C. II, III, at IV D. I, II, III, at