Sagot :
Answer:
Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagsusuri ng anim na aspekto ng pag-unawa na ginagamit sa markahang
pagsusulit sa Filipino. Layunin nitong sipatin ang mga tanong na ginagamit sa markahang pagsusulit upang
matiyak kung nasusunod nito ang mungkahi ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and
Universities (PAASCU) kaugnay ng higit pang pagpapahusay ng mga aytem sa mga pagsusulit. Sisikaping
sagutin sa papel ang sumusunod na tanong: 1.) Ano-anong aspekto ng pag-unawa ang ginagamit sa markahang
pagsusulit? 2) Alin sa mga aspektong ito ang pinakamadalas na gamitin sa pagtataya? 3) Ano ang mungkahing
paraan sa epektibong pagtataya? Naging batayan ng pag-aaral ang teoryang pangkurikulum ni John Dewey na
naniniwalang ang kurikulum ay dapat na tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral upang makasabay
sa hamon ng modernisasyon. Gumamit ng paraang palarawan at pasuri upang ilahad ang detalye ng pag-aaral.
Sa pangangalap ng datos, sinuri ang mga aytem ng markahang pagsusulit sa taong panuruan 2014-2015.
Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na nakasusunod sa rekomendasyon ng PAASCU kaugnay ng pagiging
kritikal ng mga aytem ng markahang pagsusulit ang mga aytem sa pagsusulit ng Filipino. Batay sa resulta,
iminumungkahi na patuloy na gamitin ang anim na aspekto ng pag-unawa sa mga pagtataya upang sukatin
ang natutuhan ng mga mag-aaral sa bawat aralin; magkaroon pa ng mga pag-aaral kaugnay ng epekto ng
paggamit nito at matukoy ang kahinaan at kalakasan nito; gamitin ang ibang pang aspekto ng pag-unawa sa
markahang pagsusulit at magkaroon ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral sa paraan ng pagsasagot nito.
Hikayatin ang mga mag-aaral na maging aktibo at kritikal sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at
kasanayan tungo sa mas malalim at mas malawak na pag-unawa sa aralin.