Answer:
WIKANG PANTURO - Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng wikang panturo at iba pang impormasyon tungkol dito.
Ang kulturang Pilipino ay isa sa pinakamahalagang paksa na dapat pag-aralan ng mga kabataan. Dahil dito, masasabi natin na ang wikang ginagamit sa pagturo o ang wikang pagtututo ay napakahalaga.
Ang wikang panturo ay ang mga wikang ginagamit ng mga paaralan bilang midyum sa pagtuturo. Kadalasan, ito ay itinatalaga ng pamahalaan o nang mismong paaralan. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay Tagalog at Ingles
Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan j ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat.