Mula sa iyong tahanan, lumalawak ito habang nadaragdagan ang iyong edad.
Ang pagiging mapanagutan sa pakikipagkapwa ay lagpas na sa simpleng paggalang sa kapwa.
Ito ay pag-unawa at pagbibigay-halaga sa katotohanang hindi nabubuhay ang tao para lamang sa kaniyang sarili.
Kailangan natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at halaga ng buhay.
Para sa isang nagdadalaga o nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na makilala ang kaniyang pagkatao, upang matukoy kung saan siya nababagay sa lipunan at upang mabuo ang kaniyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho.