Sagot :
Answer:
Noon pa man ang tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng kanilang damdamin tungkol sa ibat ibang bagay sa daigdig,sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa. Ang panitikan din ang nagiging daan upang mabatid ang kaugalian, tradisyon at kultura. Mayroog ibat-ibang uri ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang bayan.
Ang ibig sabihin ng karunungang bayan ay ang sumusunod:
Ito isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Ito ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikanng idinadaan sa pamamagitan ng pagsasagot o paghuhula .
Kailangan din ng karunungang bayan malalim na pag iisip
Ginagamit ito bilang idyomatiko na may malalim na kahulugan kesa sa literal na kahulugan nito.
Ito ay ginagamit upang mapatalas ang kaisipan.
Ito ay hango sa karanasan ng mga matatanda
Nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala.
Mga halimbawa ng mga karunungang bayan
1. Bugtong- Ito ay uri ng laro na may kaugnayan sa pagpapahula sa isang bagay na inilalarawan.
patugmang pahayag upang ipasagot sa iba
Halimbawa:
Isang balong malalim, puno ng patalim
Ito namang pinsan ko, Saka lng kikilos kung pinapalo
Isang princesa, Nakaupo sa tasa
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa
2. Salawikain- Ito naman ay ang pagpapahayag ng mga matatalinghagang aral na batayan sa magandang pag-uugali. Ito ay nakaugaliang sabihin sapagkat ito ay nagsisilbing tagapagpaalala ng mga tuntunin ng kagandahang asal.
Halimbawa:
Kung walang tiyaga,
walang nilaga
Sa paghahangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.
3.Sawikain/Idyoma- Ito ay ang mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging magada ang paraan ng pagpapahayag. Ito ay nagpapahayag ng kaisipan o magandang mensahe sa buhay. Ang kaibahan lng nito , ito ay tiyak at madaling matukoy ang mensahe nais nitong tukuyin.
Halimbawa:
Anak-pawis- Mahirap
Alilang kanin- Utusang walang sweldo, pagkain lng
Dalawa ang bibig-madaldal
Namamangka sa dalawang ilog
4. Kasabihan/Kawikaan-Ito ay ang katangian,ugali,gawa/gawi, kilos.Ito ay patalinghagang pahayag na kinapapalooban ng makabuluhang pilosopiya sa buhay.Ito ay ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon para akayin ang mga kabataan sa wastong pag-uugali at kilos
Halimbawa:
Nasa Diyo's ang awa
nasa tao ang gawa
Kung ano ang itinanin
ay siyang aanihin
Sa panahon ng kagipitan
Nakikita ang kaibigan
5. Palaisipan Ito ay isa sa paraan ng pagpukaw ng isipan ng tao. May suliraning binibigkas ng tuluyan at naghahanap ng kasagutan. Ito rin ay laro na humahamon sa isipan ng tao upang mag-isip ng kasagutan.Ito ay karaniwang nasa anyong tuluyan bagamat mayroon din palaisipan na nasa anyong patula.
Halimbawa:
Bahag ang buntot- Takot
Kape at gatas- Maputi at maiitim
Sinasabing batgo pa man dumating sa Pilipinas ay mayroon nang panitikan ang mga Pilipino. Isa sa mga ito ay ang karunungang bayan.
Ang mga nasabing karunungang bayan noon ay pasalin-dila lamang. Mayroon ring nakasulat sa piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Iilan lamang ang natagpuan ng mag arkeologo sapagkat ayun sa kasaysayan pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang sila ay dumating sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng masama.
Answer:
Ang salawikain ay tumutukoy sa mga kasabihan na may layuning magbigay aral. Ito ay base sa mga totoong karanasan o pangyayari sa buhay. Ang mga ito ay naglalaman ng praktikal na payo o kaalaman na maaari nating magamit. Madalas, ito ay maikli lamang, at payak ang mensahe. Ang salawikain ay tinatawag bilang proverbs sa Ingles.
Explanation:
pa brainliest po