Bakit ang pamilya ang sinasabi na una at pinakamahalaga yunit ng lipunan?

Sagot :

Answer:

Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay. Ang bawat isang sanggol na ipianganganak sa mundo sa bawat segundo ay nagmumula sa isang pamilya. Dito unang sumisibol ang bawat mamamayan na magiging mahalagang bahagi ng lipunan, ang mga magiging kasapi ng iba’t-ibang sektor ng lipunan. Ito ay dahil layunin ng pamilya ang pag-aanak at edukasyon ng mga anak. Ito ang dahilan kung bakit ang pamilya ang itinuturing na una at pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Kaya mahalagang ito ay maayos na kilalanin at bigyan ng sapat na suporta ng lipunan. Sabi nga, walang lipunan kung walang pamilya. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindirin magiging maayos ang lipunan. Kung maayos ang lahat ng pamilya, tiyak na magiging matiwasay ang lipunan. Kaya nararapat lamang na magkaisa ang mga pamilya sa kanilang layunin na itaguyod ang kapakanan ng lipunan sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos tungo sa pagkamit ng mga nagkakaisang layunin. Mahalagang maging bukas ang pamilya sa kapwa pamilya at maayos na gampanan ng bawat kasapi nito ang kanilang tungkulin sa lipunan.

Answer:

Ang pamilya ay ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay buhay. Ang bawat sanggol na ipinanganganak ay nagmumula sa isang pamilya.

Sa pamilya unang sumisibol ang bawat mamamayan na magiging kasapi ng iba't ibang sektor ng lipunan. Ito ay dahil layunin ng pamilya ang pag-aanak at edukasyon ng mga anak.