bakit mahalaga ang kapaligiran sa paghubog ng kabihasnan ng tao ipaliwanag brainly

Sagot :

Answer:

Mahalaga ang kapaligiran sa paghubog ng kabihasnan ng tao sapagkat ito ang magdedesisyon kung tatagal ba ang isang sibilisasyon o hindi.

Explanation:

Ang ilan sa mga naunang sibilisasyon sa mundo ay nakinabang sa biyaya ng kapaligiran. Sa Mesopo tamia, nariyan ang malalaking ilog ng Tigris at Euphrates na siyang nagbigay buhay sa mga Sumer, Akkadian, Assyrian, at Babylonian. Sa Egypt naman, ang ilog Nile ang tumulong upang magkaroon ng isang masaganang emperyo ang mga sinaunang Egyptians. Ganoon din ang nangyari sa India at China – ang maayos na kapaligiran ang nagbigay sa kanila ng mga likas yaman na kanilang ginamit upang maging matatag na mga bansa.

Sa kabilang banda, ang pagpapabaya sa kalikasan ay maaaring maging hudyat ng wakas ng isang sibilisasyon. Isang magandang halimbawa ang nangyari sa mga tao ng Rapa Nui (Easter Island). Dahil sa walang habas na pagpuputol ng puno sa isla, naubos ang mga yamang kagubatan dito. Ang resulta – kinailangan ng mga taga Rapa Nui na maghanap ng bagong islang titirhan, at bumagsak ang sibilisasyong kanilang ginawa.