Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Suriin ang bawat sitwasyon at gumawa ng pagpapasya.

1. Inutusan ka ng iyong nanay na pumunta sa grocery upang bumuli ng gatas ng iyong nakababatang kapatid at pagkatapos ay umuwi ka na sa inyong bahay. Pagdating mo ay doon mo pa lang binilang ang isinukli sa iyo ng kahera at nakita mo na sobra ang sukling binigay sa iyo. Nakalibre ka na ng gatas bumalik pa ang iyong pera. Alam mo na magkukulang ang pera ng kahera kapag ineremit niya ang kanyang napagbentahan at ibabawas ito sa kanyang sweldo. Ano ang iyong gagawin?​