Sagot :
Answer:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Gamit ang short bond paper, sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagguhit. Tingnan ang Rubrik sa Pagguhit sa huling pahina upang iyong maging gabay sa gawaing ito.
PAGTATAYA PANUTO: Tukuyin ang hinihingi ng bawat pangungusap. Pillin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon.
1. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na nag-iiwan kakintalan sa isip ng mga mambabasa. 2. Isang elemento ng sanaysay o maikling kwento na nagbibigay buhay at gumaganap sa mga pangyayari
3. Isang anyong panitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa mga diyos o diyosa at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
4. Nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan o damdamin ng kwento.
5. Ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
6. Ito ay ang pinaikling bersyon ng akda o teksto. Pinipili rito ang mga pinakamahalagang ideya o sumusuportang ideya o datos ng akda.
7.. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
8. Naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas.
9. Isang uri ng pelikula kung saan ang kwento ay tungkol sa mga totoong tao at nakabase sa totoong pangyayari.
10. Problemang haharapin ng tauhan.