Si Michael at An-Jean ay magkapatid. Naninirahan sila malapit sa kanilang paaralan. Kaya hindi sila sumasakay ng tricycle para pumasok. Naglalakad lamang sila para makatipid ng pamasahe. Masayang-masaya silang dalawa na naglalakad patungo sa kanilang paaralan dahil gusto nilang matuto at makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa kanilang mga magulang.
Sagutin ang mga tanong at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sino-sino ang magkapatid sa kuwento? 2. Anong paraan ng transportasyon ang ginagamit nila patungong paaralan? 3. Bakit masayang-masaya ang magkapatid na naglalakad patungong paaralan?