6.Mayaman ang Asya sa iba't ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito? A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig. B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito. C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha. D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan. 7 Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Bangladesh na galling sa Bundok Himalayas at naging dahilan ng pagkaroon ng baha, pagkapinsala ng mga pananim at pagkamatay ng mga tao tuwing tag-ulan. Ano kaya ang pinakamabisang solusyon upang maiwasan ang mga sakunang ito? A. Tiisin ang mga sakuna C. Magtanim ng mga puno sa gilid ng mga ilog B. Magdasal sa Panginoong Diyos D. Magsilikas sa ibang bansa at doon na mamumuhay 8.Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria? A. Prairie B Savanna C. Steppe D.Tundra