Sagot :
Answer:
1. Ang pananatili sa loob ng tahanan sa panahon ng pandemya ay isang malaking tulong sa buong bansa.
Pokus ng pandiwa: Pokus sa Ganapan o Lugar (lokatib)
2. Kami ay takot na mahawahan ng virus kaya labis ang aming pag-iingat sa sarili.
Pokus ng pandiwa: Pokus sa Tagatanggap (Benepaktib)
3. Kailangan ay palaging magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.
Pokus ng pandiwa: Pokus sa Tagaganap o Aktor
4. Mabilis kumalat ang COVID-19 lalo na ang bagong Delta variant.
Pokus ng pandiwa: Pokus sa Tagaganap o Aktor
5. Bawal lumabas ng tahanan ang mga bata at senior citizen.
Pokus ng pandiwa: Pokus sa Direksyon
Explanation:
MGA URI NG POKUS NG PANDIWA SA PANGUNGUSAP
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor- kapag ang gumaganap ng kilos sa pangungusap ay ang ang simuno o paksa
Halimbawa: Ang kapayapaan ay lumalaganap.
Paksa (kapayapaan), gumaganap ng kilos pandiwang nakapokus sa paksa
2. Pokus sa Layon o Gol – Kung ang paksa o ang binibigyang diin sa pangungusap ay ang layon.
Halimbawa: Iniuwi namin ang pagkaing natira.
Pandiwang nakapukos sa layon (pagkaing natira), layon na siyang paksa ang binigyang- diin
3. Pokus sa Tagatanggap (Benepaktib) - kung pokus ng pangungusap ay ang pinaglaanan ng kilos.
Halimbawa: Ibinili ko ang nanay ng pasalubong.
Pandiwang nakapokus sa tagatanggap (nanay), tagatanggap na siyang binibigyang diin
4. Pokus sa Ganapan o Lugar (lokatib) - kung ang lugar o pinangyarihan ng kilos ang paksa o pokus ng pangungusap.
Halimbawa: Ang ilog ay pinaglabanan ni Handiong at ng mga halimaw.
Pinangyarihan ng kilos (ilog), pandiwang nakapokus sa ganapan na siyang paksa
5. Pokus sa Direksyon - kung nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa ang paksa.
Halimbawa: Pinasyalan namin ang parke.
Pandiwang nakapokus sa direksyon (parke), paksa na nagsasaad ng direksyon
6. Pokus ng Gamit (instrumental) - kung ang kagamitang ginamit sa kilos ang pokus ng pandiwa.
Halimbawa: Ipinanungkit nila ng bayabas ang patpat.
Pandiwang nakapokus sa gamit (ipinanungkt), kagamitan na ginamit sa kilos
7. Pokus sa sanhi (kawsatib) - kung ang sanhi o dahilan ng kilos ang pokus.
Halimbawa: Ikinasakit ng tiyan niya ang bayabas.
Pandiwang nakapokus sa sanhi (ikinasakit ng tyan), sanhi o dahilan ng kilos.