Tama o Mali. 1. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan. 2. Kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bansa. 3. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong maka-kilos nang Malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan. 4. Ang lipunan ay dapat na maging instrument upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao. 5. .Ang mga salitang pantay at patas ay magkasingkahulugan. 6. Ang pamilya ang pangunahing yunitv sa paghubog ng mapanagutang mamamayang mulat sa tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat. 7. Hindi magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi naigagalang ang Kalayaan ng tao. 8. Mahalaga ang diyalogo upang maibahagi ng bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw. 9. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. 10. Ganap lamang na masasabing tunay na kinikilala ang karapatang pantao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat.