Sa baryo Mayabong nakatira ang pamilyang Fuentes. Mayroon silang limang anak sina Nato, Nestor, Linda, Nelia at Aida. Isang market vendor ang ama at simpleng maybahay ang ina. Habang lumalaki ang kanilang anak, ramdam na rin nila ang problemang pinansyal. Napalago nila ang munting manukan sa tulong ng mga anak na lalaki habang nagtitinda ng kakanin ang mga dalaga. Kapos man sa pera ay napag-aaral nila sa kolehiyo ang mga anak sa tulong din ng nakababatang kapatid ni Mang Erman na si Julia dahil wala pa itong anak kaya medyo nakaluluwag pa sa buhay. Siya ang umako sa pagpapaaral sa tatlong anak ng kaniyang kuya. Sa pagsisikap, nakapagtapos ang panganay na si Nato na siya namang nagpapaaral sa mga kapatid. Hindi sila nagpatalo sa mga pagsubok sa buhay. Naging lakas ng kanilang pamilya ang pananalangin sa Panginoon. Hindi nakakaligtaan ng mag-anak na magsimba. Malaki naman ang pasasalamat ng magkakapatid sa kaniyang Tiya Julia na itinuturing nilang pangalawang ina. Tunay ngang walang makapapantay pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya ng isang pamilya.
Mga tanong: 1. Anong kilos ng tauhan sa sitwasyon ang nagpairal ng pagmamahalan sa pamilya? Patunayan