Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.