Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang sinasaad sa bawat bilang. Hanapin ang sagot sa loob ng bilog at isulat
ang titik sa napili mong sagot sa patlang bago ang bilang.
Pagpipilian:
A.Bahay ni Gat Jose Rizal
B.Bahay na Bato sa Vigan
C.Torogan
D.Malacañang
E.Bahay Kubo
1. Ito ay bahay na bato. Ang mataas na kisame at mga nakakurbang suleras
nito ang nahahatid ng kapitagang anyo.
2. Dito makikita ang mga antigong bagay tulad ng pang-alis ng ipa ng
palay, punka o bentilador na nakalagay sa kisame at mga pansala ng tubig.
3. Isang uri ng bahay na kilala sa Pilipinas, Naitayo ang mga ito sa panahon ng
pananakop ng mga kastila, at literal na ibig sabihin ay "bahay na gawa sa
bato". Ngunit hindi lamang siya simpleng bahay na gawa sa bato.
4. Ito ay gawa sa mga kagamitang madalas nating makita sa kapaligiran tulad
ng kawayan, dahon ng niyog, nipa, damong kogon, at iba pang mga maaring
gamitin sa paggawa ng bahay.
5. Ito ay napapalamutian ng panolong, ang katutubong disenyong Muslim na
sarimanok at Naga na inuukit sa kahoy.​