Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag kung alin sa
mga ito ang pangungusap na nagpapakita ng pagtitiwala sa sarili.

2. Nahihiyang magsabi ng katotohanan si Allan dahil sa takot.
3. Tuwing may darating na mga bisita sa aming bahay, agad akong
tumatakbo sa loob ng aking kwarto.
4. Kahit mahirap lamang si Anna, ay hindi siya tumigil sa pag-aaral,
para sa kanya magtatagumpay din siya sa buhay basta may
pagsisikap.
5. Si Andrew ay magaling sa pagpipinta, tuwing sasabihin ng guro na
ilalaban siya sa paligsahan, laging sinasabi niya na hindi niya kaya.
6. Ang galing ni Maribel sa araling matematika ay kanyang ibinabahagi
sa kamag-aral pamamagitan ng pagtuturo sa kanila.
7. Naniniwala si Roy na kung nagtagumpay ang kanyang mga kaibigan,
kaya rin niya ito.
8. Agad agad na ninniwala si Mark sa sinasabi ng iba kahit hindi muna
niya pinag-isipan.
9. Sumusunod sa dikta ng barkada si Joy kahit alam na mali ang mga
ito.
10. Pagtanggap sa sariling kahinaan at nagsisikap na paunlarin ito.
11. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito
kahirap.
12. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay
pinapaniwalaan na bahagi ng plano ng Diyos at may kalakip na
magandang kapalaran.
13. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
14. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.
15. Masayang pagtanggap sa sarili maging anuman ang iyong katayuan
sa buhay.