Sagot :
Ang huwarang kabataang pandaigdig ay may mga iba't ibang tuntunin upang manatiling huwaran sa lipunan at maging sa daigdig. Ang huwarang kabataan ay hindi lamang magaling sa paaralan at umaani ng mga papuri mula sa mga guro dahil sa mga matataas na marka tuwing pasulit dahil ang isang huwarang kabataan ay dapat mayroon malasakit sa kapwa at sa lipunang ginagalawan. Ang pagiging aktibo sa mga programang panlipunan para sa ikabubuti ng nakararami ay isang magandang katangiang dapat taglayin ng kabataan upang maipagmalaki sa buong daigdig. Kailangan ding sila ay mayroon takot at tiwala sa Diyos dahil kapag meron sila nito lahat ng mabubuti at magagandang asal ay kanilang tataglayin sa hinaharap dahil sila ay mayroong takot sa Diyos.