Panuto: Isulat sa loob ng hugis ang letra ng pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Of Of 여 > A Lumaki ang populasyon ng tao. B. Gumamit ng makikinis na kagamitang bato C. Nagtatag ng pamayanan upang mapagbuklod ang tribo. D. Gawa sa mga magagaspang na bato ang mga kagamitan. E. Lubusang umasa ang mga unang tao sa kanilang kapaligiran F. Natutunang gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng kahoy G. Sa pangangaso at pangangalap ng pagkain namuhay ang mga unang tao. H. Nangangalap ang mga kababihan ng pagkain at kumakalinga sa mga anak Natuklasan ng unang tao ang apoy dahil sa pagtama ng kidlat sa punong kahoy. Natunaw ang mga yelo na bumabalot sa mga lupain at nabuo ang mga ilog at batis. K Ginawa ang mga kagamitan sa pamamagitan ng pagtapyas sa bahagi ng malaking bato L Pagsasaka sa pamamagitan ng pagkakaingin ang paraan ng pagtatanim ng mga unang tao. M. Bukod sa bato, gumamit na din ng iba pang materyales tulad ng kahoy para sa mga kasangkapan N Nalinang ng mga unang tao ang paggawa ng imbakan dahil sa pagkakaroon ng seguridad ng pagkain. 0. Nagsimulang magtayo ng permanenteng tirahan ang mga unang tao dahil sa pagbabago sa kanilang kabuhayan. P. Natutunang magpaamo ng mga hayop tulad ng tupa, kambing, baka, manok at baboy na napagkunan din ng iba pang produkto ​