Sagot :
Answer:
Kalusugang Mental
Ang kalusugang mental ay tumutukoy sa pagkakaroon ng maayos na pag iisip. Dito kabilang ang pang unawa ng isang tao sa mga pangyayari. Kung ito ay malusog, mas magagamit natin ang ating isip. Mental health ang tawag dito sa Ingles. Mahalaga ito dahil ang ating isip ay mahalagang salik sa ating paggawa.
Kalusugang Emosyonal
Ang kalusugang emosyonal naman ay tumutukoy sa ating pamamahala sa sariling emosyon. Ito ay ang ating pang unawa sa sarili. Mahalaga na ito dahil ang ating emosyon ay nakakaapekto sa ating pagkilos. Kung ikaw ay masaya, mas gaganahan ka magtrabaho. Kung ikaw naman ay malungkot, wala kang gana sa paggawa ng gawain.
Kalusugang Sosyal
Bilang pangangalaga sa ating kalusugang sosyal, dapat tayong makihalubilo sa ating kapwa. Ang simpleng message sa social media o pagkikita ng personal sa mga kaibigan ay mayroong malaking epekto sa atin.