Ilagay sa tamang kahon ang mga katangian ng sistemang pang-ekonomiya. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay nakaayon sa mga pangangailangan ng pamilihan na dinidikta ng presyo. 2. Ang mga pribadong indibiduwal ay may karapatan na magtayo ng kanilang negosyo. 3. Nakabatay ang paggawa ng mga produkto o serbisyo sa nakasanayang gawain at tradisyon. 4. Ang mamamayan ay gumagawa ng mga produkto o serbisyo para sa estado. 5. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay maaaring ariin ng estado, mamamayan, o pribadong indibiduwal. 6. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay nakabatay sa kung ano ang itatakda ng estado. 7. Kontrolado ng mga negosyo ang proseso ng paggawa ng mga produkto o serbisyo. 8. Ang mga ginawang produkto o serbisyo ay para sa mga mamamayang maaaring nasa labas at loob ng bansa. 9. Maaaring ipagsanib ang publiko at pribadong sektor upang matugunan ang mga pangangailangan sa teknolohiya, kasanayan at puhunan. 10. Ang estado ang magpapasiya kung paano gagawin ang mga produkto o serbisyo. A. TRADISYUNAL B. PINAG-UUTOS C. PAMILIHAN D. PINAGHALO