Pagbabalik Tanaw: Ang pagputok ng Mt. Pinatubo ay lumikha ng isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagputok sa ika-20 siglo noong ika-Hunyo 1991. Ano ang naging epekto nito sa mga Pilipino?​

Sagot :

Para sa mga residente, delubyo kung ituring ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ngunit ngayon, pinagkukunan na nila ito ng biyaya.

Libo-libo rin ang nawalan ng tirahan sa itinuturing na ikalawang pinakamalaking pagsabog ng bulkan noong 20th century.

Marami ang nag-akala na tuluyan nang mabubura sa mapa ng Pilipinas ang lalawigan ng Pampanga.

Matapos ang 26 na taon, ang lahar na naminsala noon ay itinuturing nang biyaya ngayon.

Ang naiwang buhangin, nagbibigay na ngayon ng milyon-milyong pisong quarry collections.

Naging oportunidad rin ito para sa mga residente na makapagpundar ng ibang kabuhayan.

May ilang mga residente na nakakagawa ng iba't ibang religious images at mga handicraft mula sa abo at iba pang dala ng pagsabog ng bulkan.

Nabaon man sa lahar ang lalawigan, pinatunayan naman ng mga Kapampangan na kaya nilang muling makaahon mula rito.

Anumang pait ng bangungot ng karanasan, nangibabaw pa rin ang katatagan ng mga Kapampangan.