Ang Lanao Del Sur Ang Lanao Del Sur kung saan nagmula ang binasa nating kuwentong-bayan ay isa sa limang lalawigang kabilang sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ang Lanao Del Sur ay binubuo ng 39 na bayan at isang lungsod, ang lungsod ng Marawi na siya ring kabisera ng lalawigan. Ang panagalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang “lawa”. Matatagpuan lasi rito ang Lawa ng Lanao na siyang pinakamalaking lawa sa Mindanao at siyang pangalawang pinakamalaki sa buong Pilipinas. Apat na ilog ang bumubuhay sa lawa habang ang Ilog ng Lagus lamang ang ilog na dumadaloy mula rito. Ang lawa ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito kaya naman, ang mga Meranao na siyang tawag sa mga taong naninirahan dito ay tinatawag ding “mga tao sa lawa”. Kapag araw ng palengke, makikitang ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa lawa ng Lanao na labis na abala sa dami ng mga bangkang nagyayao’t dito sa pagdadala ng mga paninda. Ito rin ang isa sa mga pangunahing paraan ng transportasyon sa mga bayan ng Lanao Del Sur. Meranao rin ang tawag sa wikang sinasalita ng mga tao sa lalawigang ito. Ang nakararaming mamamayan sa Lanao ay Muslim. Kilala ang mga Meranao sa pagiging malikhain. Makikita sa kanilang kagamitang panseremonya at iba pang kagamitan ang mga ukit na tinatawag nilang okir kung saan pinakakilala ay ang sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na hugis ahasna madalas Makita sa hawakan o puluhan ng kanilang mga kampilan. Mapalad ang mga Meranao sa pagkakaroon ng magandang panahon, hindi mainit at lihis din sila sa daanan ng bagyo kaya hindi sila gaanong nasasalanta ng mga bagyong dumaraan sa ating bansa Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay. ● Batay sa binasa, ano-ano ang mga magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng Lanao sa buhay ng mga Meranao? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ● Anong ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na malikhain at may katutubong sining ang mga Meranao? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ● Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri ng panahong umiiral sa Lanao De Sur? _____________________________________________________________________ _______________________________________________________________ pakisagot nlang 30 pts​

Sagot :

Answer:

Lanao del Sur (Tagalog: Timog Lanao; Maranao and Iranun: Pagabagatan Ranao), officially the Province of Lanao del Sur, is a province in the Philippines located in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). The capital is the city of Marawi, and it borders Lanao del Norte to the north, Bukidnon to the east, and Maguindanao and Cotabato to the south. To the southwest lies Illana Bay, an arm of the Moro Gulf.

Explanation:

tama po ba ito pa BRAINLIEST po