ARINGAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Aringay, La Union
Summative Test 1, EsP 8
Quarter I


Pangalan____________________ Seksyon__________


Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang itinuturing na pinaka maliit na yunit ng lipunan?
A. Paaralan B. Pamayanan
C. Pamilya D. Simbahan

2. Saan natin unang naramdaman ang tunay na pagmamahal?
A. Paaralan B. Pamayanan
C. Pamilya D. Simbahan

3. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na unang mga guro ng mga aral sa buhay?
A. Guro B. Kaibigan
C. Magulang D. Pari

4. Ano ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili?
A. Makadagdag ng alalahanin
B. Naging masalimuot ang buhay.
C. Mahirap makamit ang tagumpay.
D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay

5. Ano ang iyong gagawin upang mapauunlad ang sarili?
A. pag-aaral nang mabuti
B. pagmamahalan at pagtutulungan
C. pagtutulungan sa anumang gawain
D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay

6. Ano ang dahilan kung bakit natural na institusyon ang pamilya?
A. dahil nabuo ito sa
pagmamahalan
B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal
C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa
D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya

7. Alin sa mga pahayag ang patunay na ang pamilya ang sentro ng magandang pag-uugali?
A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali.
D. Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang mabuting indibidwal

8. Alin sa mga ito ang kakikitaan ng pag-iral ng pagtutulungan?
A. Pag-iwas sa mga nakasamaang loob
B. Pagmamalasakit sa kapwa
C. Pag-iral ng inggit sa kapwa
D. Paggalang kanino man

9 Makikitang laging nagmamano ang mga batang sina Tin at Vic. Ano ang implikasyon nito?
A. Sila ay tunay na batang Pilipino.
B. Sila ay naturuang maging magalang.
C. Sila ay may malasakit sa nakakatanda.
D. Sila ay masunurin sa utos ng magulang

10. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?
A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally
B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan
C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap
D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan

11. Paano maipapakita ang pagkalinga sa mga anak?
A. Pagpapatigil sa pag-aaral dahil mahina ang katawan.
B. Binibigyan ng suporta sa ninanais na makamit.
C. Sinusunod sa luho at bisyo ng mga ito.
D. Inihahatid sa pagpasok ng paaralan.

12. Ano ang dapat gagawin upang maipakita ng pagmamahalan sa pamilya?
A. Pagdarasal tuwing may problema lamang.
B. Sabay-sabay na pagkain sa hapag kainan.
C. Nagsisigawan tuwing may hindi pagkakaunawaan.
D. Paglilihim ng problema sa mga miyembro ng pamilya.

13. Paano naipakikita ang pakikiramay?
A. pamamasyal sa lugar na kinagigiliwan niya
B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan
C. pag-alok ng mga bagay na makapagpasaya sa kaniya
D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa


14. Paano mo mapauunlad ang iyong sarili?
A. pag-aaral nang mabuti
B. pagmamahalan at pagtutulungan
C. pagtutulungan sa anumang gawain
D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay

15. Bata pa ng magsimulang magtrabaho si Mang Ben kaya naman hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya naman ng makapagtapos at magkatrabaho ang kanyang anak siya naman ang pinag-aral nito. Ano ang ipinakita at ipinadama ng anak ni Mang Ben?
A. Paggalang
B. Pagmamahal
C. Pananampalataya
D. Pagtutulungan

16. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng may paggalang sa isa’t isa lalo na sa mga magulang?
A. Ipinagpatuloy ni Violy ang pangarap na maging isang idolo sa kabila ng mga payo ng kaniyang mga magulang.
B. Laging tama si Lea sa tuwing nagkakaroon ng talakayan sa kabila ng mga hinaing at
kasalungat na opinyon ng kaniyang mga kapangkat.
C. Nagsusumikap si Charina na makinig at umintindi sa lahat ng hinaing at aral ng mga
nakatatanda upang maisapuso’t maisabuhay niya ito.
D. Sa tuwing may nais na makamit si Joel hindi siya nagdadalawang-isip na makiusap sa mga magulang hanggang sa ibigay nila ito sa kaniya.

17. Nais maturuan ng mag-asawang Reyes ng matatag na pananampalataya ang mga anak. Paano nila ito maisasakatuparan?
A. Ipakitang aktibo sa mga gawaing simbahan.
B. Hayaan lamang nila na ito’y matuklasan sa sarili.
C. Ipamemorya lang ang lahat ng mga dasal at buhay ng mga banal.
D. Sanayin silang magdasal, magsimba at magbasa ng Bibliya o Koran.
18. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng patunay?
A. Laging ipinagagawa ni Chiqui ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Jeffrey.
B. Madalas tulala si Patrick sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang kasintahan.