Tuklasin JAN MO! Sino sa inyo ang may kasama sa bahay na mga matatanda na, inyong Lolo o Lola kaya? May mga naririnig ba kayong mga salita o parirala na sinasabi nila ngunit hindi ninyo maintindihan kaagad ang kahulugan nito? Narinig niyo bang sinabi nilang ikaw ay “ningas-kugon? May nabasa ka na ba mula sa isang kuwento o pag-uusap ng mga tauhan na ang pahayag nila ay may ibang kahulugan? Subukin mong isaayos ang mga titik sa ibaba na pinagbabaligtad upang mabuo ang tamang parirala. Ang kahulugan ng bawat pahayag ay nakapaloob sa panaklong. Alalahanin kung nabasa o narinig mo na ba ang mga salitang ito. 1. HTIGIU AS BTUGI - (kalimutan) 2. GATIA OM AS TAOB - (tandaan) 3. SNUOGNAG NG AYIKL - (nag-aral nang mabuti) 4. LGIIAH NG HANTAAN - (ama) S. SNGOUP ABOT - (matigas)​