Answer:
Napakahalaga ng pagsasaka sa kasalukuyan dahil ito ang pinagmumulan ng kinakain ng mga tao.
Explanation:
Ang pagsasaka ay isa sa mga pangunahing industriya sa ating bansa. Marami sa ating mga magsasaka ang naninirahan sa mga probinsya kung saan nila itinatanim ang kanilang mga pananim. Sa pagsasaka nagmumula ang ating bigas, gulay, at prutas. Kung mawawala ang pagsasaka sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang magugutom.
Nasasaksihan natin ang senaryong ito kapag tumama ang isang malakas na bagyo. Ating mapapansin na matapos tumama ang isang malakas na bagyo, nauubos ang mga pananim ng mga magsasaka kaya naman nagmamahal ang presyo ng mga prutas at gulay sa mga pamilihan. Kung mawala pa ang industriya ng pagsasaka ay mas lalong dadami ang maaapektuhan.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagsasaka, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/210627
#BrainlyEveryday