ang
Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng
House
& Lot ng Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang
masasalamin sa anak ni Aleng Nina?
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina
B. pagmamahal sa kaniyang Ina
C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina
D. pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina
2. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa
pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang
ipinakita ng ama?
A. pagiging matatag
B. pagiging madasalin
C. pagiging masayahin
D. pagiging disiplinado
3. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may
mabuting loob na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral
ang mapupulot sa sitwasyon?
A. pagiging madasalin
B. pagkakaroon ng pag-asa
C. pagiging maramot sa iba
D. pagiging matulungin sa kapuwa
4. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak Alin sa
sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. hinahatid sa eskwelahan
B. laging binibigyan ng pera ang anak
C. pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
D. sinusuportahan sa gustong makamit ng anak​