Pang Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magpasya kung gaano kadalas mong naipakikita ang mga nakatalang positibong saloobin sa pag-aaral. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot. Lagyan naman ng puso ang mga minarkahan mo sa hanay ng Minsan at Bihira bilang tanda na gagawin mo na ito palagi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Mga Positibong Saloobin at Pag-uugali sa Pag-aaral Palagi Minsan Bihira 1. Naglalaan ako ng tiyak na oras sa pag- aaral. 2. Ginagawa ko at tinatapos ang pag-aaral at mga gawain sa pagkatuto kahit nahihirapan. 3. Inuunawa ko ang aking binabasa. Nagtatanong ako o nagpapatulong kung kinakailangan. 4. Ibinabahagi ko ang aking kaalaman sa kamag-aaral o kasapi ng pamilya. 5. Ginagamit kong inspirasyon ang aking pangarap kaya nagsisipag ako mag-aral. PIVOT 4A CALABARZON 20​