Sagot :
Answer:
sa pamamagitan ng pagsali sa program ng barangay
sa pamamagitan ng pagwawalis sa tapat nyo
sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan
Explanation:
Answer:
Bilang bata paano ka makakatulong sa kalinisan ng ating kapaligiran
Ang pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran ay mahalaga. Nakasalalay ang pagkakaroon ng kalinisan sa ating mga tao, bata man o matanda ay may magagawa upang mapanatili ang kaayusan, kagandahan at kalinisan ng ating kapaligiran.
Bilang isang bata, marami ring magagawa upang makatulong na mapanatili an gating kapaligiran tulad ng:
Pagkakaroon ng disiplina sa sarili na huwag magtapon ng basura kung saan-saan.
Maging responsableng bata na itinatapon ang mga basura sa tamang basurahan.
Tumulong sa abot ng makakaya sa mga programang pampamayanan ukol sa pagpapanitili ng kalinisan ng kapaligiran
Simpleng pagpulot ng mga nakikitang basura at itapon sa tamang basurahan.
Magtanim ng mga halaman.
Kahalagahan ng Malinis na Kapaligiran
Ang pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran ay mahalaga dahil;
isa itong paraan upang makaiwas ang mga tao sa sakit
kaaya-aya at kahali-halinang tingnan ang paligid na malinis
nakakakit sa mata ang isang malinis na paligid
kapag ang paligid ay malinis, sariwang hangin ang malalanghap ng mga tao
dito nakasalalay ang ating buhay
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay hindi dapat natin pinapabayaan at pinagwawalang bahala, dahil dito rin nakasalalay ang ating mga buhay. Kaya lahat tayo ay dapat na magtulungan at magkaisang mangalaga at magpanatili ng kaayusan at kagandahan ng ating kapaligiran. Huwag na nating hintaying kalikasan na ang gumanti ng dahil sa ating mga kapabayaan.
Para sa karagdagan pang Kaalaman
Pangangalaga sa Kapaligiran: brainly.ph/question/5219
Repleksyon ng Pangngalaga sa Kapaigiran: brainly.ph/question/1265261
#BetterWithBrainly
Explanation:
#Carry on Learning