Sagot :
Good afternoon po ate/kuya
Basahin niyo lang po ito lahat. ng saganon may matuto din po kayo habang nag na se search kayo. pag nabasa niyo na po lahat dun niyo na po malalaman yung sagot. nandito po lahat ng sagot niyan.
1. Pagtukoy ng Lokasyon ng Pilipinas Tiyak na Lokasyon (Absolute) – Ang pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longitude at latitude o paggamit ng sistemeng grid. Ang tiyak na lokasyon ng isang bansa ay karaniwang itinatakda sa pagtiyak ng eksaktong lokasyon ng kabisera nito sa pamamagitan ng longitude at latitude (Hal. Ang Manila, Pilipinas ay nasa pagitan ng latitude 15o Hilaga at longitude 121o Silangan). Samatala, ang lawak na nasasaklaw ng isang bansa sa pamamagitan ng mga distansyang longitude at latitude ay tinatawag na lawak na heograpikal o (geographical extent). Halimbawa, ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng mga latitude 4o23 at 21o25 Hilaga sa pagitan ng longhitude 116o00 at 127o00 Silangan. Relatibong Lokasyon (Relative/vicinal) – Ang lokasyong relative o bisinal ng isang lugar ay matutukoy sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katubigang nakapaligid dito. Tinatawag na relative na lokasyong kontinental ang mga lugar na lubusang napaliligiran ng mga lupain. Samantalang, tinatawag na relatibong lokasyong maritima ang mga lugar na lubusang napaliligiran ng katubigan. Para sa mga lugar na parehong may hangganang lupain at dagat. Ang lokasyong relatibo ay ibinibigay sa pamamagitan ng mga lupain at anyong-tubig na pumapalibot sa lugar na iyon. Halimabawa, ang lokasyong bisinal sa Pilipinas ay maaari natin sabihing, sa hilaga ng bansa ay matatagpuan ang Bashi Channel at Taiwan; sa kanluran ay ang Dagat Timog Tsina at mga bansang Laos, Cambodia at Vietnam; sa timog kanluran ay ang Borneo; sa timog ay ang Dagat Celebes at pulo ng Sulawesi; at sa silangan ay ang malawak na Karagatang Pasipiko.
2. Mahahalagang Guhit o Linyang Makikita sa Mapa at Globo Ekwador (Equartor) – Likhang isip na linyang pahalang sa gitna nang globo na may sukat na 0o. Hinahati nito ang globo sa dalawang bahagi. Hilagang Hemispiro (Northern Hemisphere) ang tawag sa bahaging nasa itaas ng ekwador at Timog Hemispiro (Southern Hemisphere) ang nasa bahaging baba ng ekwador. Guhit Parallela – Ang Parallel ay mga linyang tumatakbo ng pasilangan-kanlurang direksyon paikot sa mundo. Latitude - Ang latitude naman ay ang distansya sa pagitan ng dalawang parallel. Sa makatuwid, kung kukunin ang distansya sa pagitan ng dalawang parallel, ang sinusukat ay arko (arc) ng isang meridian. Punong Meridyano (Prime Meridian) – Guhit longhitud na may sukat na 0o na makikita sa Greenwich. Meridian – Ang median ay linyang tumatakbo mula sa isang polo patungo sa isang polo. Longitude - Ang longitude ay ang distansya sa pagitan ng dalawang meridian. Kaya’t kung kukunin ang distansya sa pagitan ng dalawang meridian, ang talagang sinusukat ay ang arko ng isang parallel na pasilangan o pakanluran. International Date Line (IDL)- 180o mula sa punong Meridyano at ginagamit na batayan sa pagpapalit ng araw/petsa. Mayroong 24 meridyano sa globo. Grid – Dito nagtatagpo ang mga meridians at guhit parallela. Tropic of Cancer .